Gamot sa Pigsa - Paano Mapapabilis Ang Paggaling Nito (2024)

Usong-uso ang pigsa sa Pilipinas. Alamin natin sa article na ito ang mabisang gamot sa pigsa at kung anong mga bawal gawin o kainin kung ikaw ay may pigsa.

Marami sa mga tao ang nakakaranas magkaroon ng pigsa sa anumang parte ng kanilang katawan. Sa katotohanan ito ay isa sa pinaka karaniwang skin infection sa Pilipinas. Ito ay nagdudulot ng mapulang umbok na kung minsan, may laman na nana o pus (1) sa loob. Ang pisikal na appearance ng pigsa ay maaaring hindi kaaya-aya sa ibang tao, lalo na kung marami ito sa iisang parte. Hindi rin maikakaila na ang pagkakaroon ng pigsa ay labis na nakapagbibigay ng pananakit ng isang tao. May pagkakataon na mas nagiging matindi ang pananakit nito dahil habang tumatagal mas nagiging malakas ang pressure nito sa balat. Kaya naman ang pamamaga at pananakit ay isa sa mga maaaring maranasan ng isang tao na may pigsa. Kung ikaw ay mayroong pigsa? Alamin mo sa artikulong ito ang mainam na solusyon para dito.

Table of Contents

  • Mabisang Gamot sa Pigsa
  • Ointment Para sa Pigsa
  • Ano ang Pigsa
    • Pigsa in English
  • Bakit Nagkakaroon ng Pigsa
  • Saan Madalas Magkaroon ng Pigsa
  • Gamot sa Pigsa na Nabibili sa Botika
    • Antibiotic para sa Pigsa
    • Cloxacillin for Pigsa
    • Koyo para sa Pigsa
    • Vitamins para sa Pigsa
  • Paano Mawala ang Pigsa?
    • Nakakahawa ba ang Pigsa?
    • Paano Malalaman Kung Hinog na ang Pigsa?
  • Home Remedy for Pigsa
  • FAQs

Mabisang Gamot sa Pigsa

Isa sa mga mabisang gamot na makakatulong para sa pigsa ay ang Povidone Iodine Swab. Ang povidone iodine ay isang compound na antiseptic (2). Ibig sabihin nito, kaya nitong bawasan at pigilan ang growth ng microorganism sa balat tulad ng bacteria. Sa tulong ng Povidone Iodine Swab, maaaring mabawasan ang bacteria na nagdudulot ng impeksyon sa balat.

Ang Povidone-Iodine Swabs ay ang isa sa pinaka-recommended ng mga doktor na maaaring gamitin para mapabilis ang paggaling ng pigsa. Dahil sa antiseptic properties nito, mabilis nitong napapahupa ang impeksyon sa balat. Ang produktong ito ay siya mismong ginagamit ng mga physicians at nurses sa clinics at hospital sa Pilipinas para sa paglinis ng pigsa

Ointment Para sa Pigsa

Isa pa sa mga mabisang gamot para sa pigsa ay ang Calmoseptine. Ang calmoseptine ay isang ointment na ginagamit para sa iba’t-ibang mga kondisyon sa balat. Ito ay naglalaman ng zinc oxide at calamine na labis na makakatulong sa pagpapawala ng pigsa. Kailangan tandaan na ang calmoseptine ay for external use lamang. Sa paggamit rin nito, mainam na malinis ang parteng may pigsa saka ito ilagay ng 2 haggang 4 na beses sa isang araw upang mapawi ang pananakit at mabilis itong mawala.

Ano ang Pigsa

Ang pigsa ay isang impeksyon sa balat na nagdudulot ng masakit at mapulang umbok o lump. Karamihan sa mga pigsa ay mayroong nana sa loob dahil sa mga white blood cells na lumalaban sa bakteryang nagdudulot ng impeksyon. Ayon sa pananaliksik (3) ang pigsa ay nag uumpisa sa tuwing nagiging infected ng bacteria ang hair follicle (4) o oil gland sa balat. Dahil dito ito ay mag uumpisang mamula at mamaga hanggang sa magkaroon ng umbok at nana sa loob. Maaari ring mas maging malubha ang pananakit hanggang sa tumatagal at lumalaki ang pigsa.

Pigsa in English

Angn pigsa ay tinatawag na boils (5) sa wikang ingles. Isa ito sa pinaka common na infection hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa iba’t-ibang mga bansa. Ito ay maaaring maganap sa iba’t-ibang parte ng iyong katawan. Ngunit kalimitan itong nararanasan sa mukha, anit, sa leeg, kilikili, at hita. Gayun pa man, kahit saan man ito maminsala ito ay naghahatid ng labis na diskomport. Ang ilan sa maaaring maranasan ng taong may pigsa ay ang masakit na lump sa balat. Ang lump na ito ay namumula, namamaga at maaaring maliit o malaki. Posible rin na mas maging malaki ang pigsa hanggang sa ito ay tumatagal. Maaari ring magkaroon ng nana ang lump sa balat. May pagkakataon na ang isang tao ay nakakaranas ng maraming pigsa sa iisang parte ng katawan. Ayon sa Mayo Clinic (6) ito ay tinatawag na carbuncle (7). Ito ay nagaganap dahil ang impeksyon ay konektado kaya naman marami ang bilang ng pigsa na nagaganap sa katawan.

A boil is a skin infection that starts in a hair follicle or oil gland. At first, the skin turns red in the area of the infection, and a tender lump develops. After four to seven days, the lump starts turning white as pus collects under the skin. If the infection spreads to the deeper tissues of the skin, then it becomes an abscess or furuncle.

Cunha, J. n.d.

Bakit Nagkakaroon ng Pigsa

Ang isang tao ay nagkakaroon ng pigsa dahil sa bacteria na Staphylococcus aureus (8). Ang Staphylococcus aureus ay bacteria na karaniwang sanhi ng mga skin infection tulad ng impetigo (9), cellulitis (10), at syempre ang pinaka karaniwan ang boils o pigsa. Kapag nakapasok ang Staphylococcus aureus sa hair follicle o oil glands ito ay tiyak na nagdudulot ng impeksyon. Kaya naman nagsisimula ang pagkakaroon ng lump at nana sa balat. Ilan sa mga factors na maaaring sanhi sa pagkakaroon ng pigsa ay ang mga sumusunod:

  1. Pagkakaroon ng close contact sa taong may pigsa o infected ng Staphylococcus aureus. Ang Staphylococcus aureus ay labis na nakakahawa at mabilis na kumakalat. Kaya naman ang close contact sa taong infected nito ay tiyak na magiging sanhi kung bakit maaaring magkaroon ng pigsa. Ang physical contact tulad ng pagyakap at pakikipagtalik at ang pakikipag share ng gamit tulad ng unan, kumot, tuwalya, suklay, at damit ay ilan sa mga posibleng close contact.
  2. Pagkakaroon ng mahinang immune system. Ang pagkakaroon ng mahinang immune system ay isa karaniwang sanhi sa pagkakaroon ng infection.
  3. Poor hygiene. Ang hindi paglilinis ng katawan, pagsusuot ng maduming damit, at pagkakaroon ng poor hygiene ay nagiging rason kung bakit nananatili ang mga bacteria tulad ng Staphylococcus aureus sa katawan. Dahil dito hindi naiiwasan na magkaroon ng impeksyon gaya ng pigsa.
Gamot sa Pigsa - Paano Mapapabilis Ang Paggaling Nito (2)

Saan Madalas Magkaroon ng Pigsa

Sa katotohanan, maaaring magkaroon ng pigsa sa bawat parte ng katawan. Ito ay normal at nangyayari. Ngunit may ilang mga parte na kadalasang nagiging infected ng pigsa, ito ay ang mga sumusunod:

  1. Pigsa sa Kilikili. Ang pigsa sa kilikili ay labis na nakakapagbigay ng diskomport lalo na sa tuwing naiipit ang pigsa. Ilan sa mga maaaring sanhi kung bakit nagkakaroon ng pigsa sa kilikili ay hindi pagligo at hindi paglilinis kung kaya’t namamahay ang bacteria sa kilikili. Upang mawala ang pigsa sa kilikili, maaaring subukan ang antibacterial soap upang mabawasan ang growth ng bacteria sa kilikili.
  2. Pigsa sa Pwet. Ang pigsa sa pwet, katulad ng pigsa sa kilikili ay masakit lalo tuwing umuupo ang isang tao. Maaaring magkaroon ng pigsa sa kilikili dahil sa mahinang immune system, hindi pagliligo at pagpapalit ng underwear, at mga sugat. Maaaring gumamit ng mga oral na antibitiotics upang mawala ang pigsa sa pwet.
  3. Pigsa sa Pepe o Ari ng Babae. Ang pagkakaroon ng pigsa sa ari ng babae ay tinatawag na vagin*l boils. Ang ilan sa mga sanhi sa pagkakaroon ng pigsa sa ari ay poor hygiene, pagsusuot ng mga underwear na sobrang higpit, sugat sa ari, o close contact sa taong may pigsa tulad ng pakikipagtalik. Upang mabilis na mawala ang pigsa sa ari mainam na uminom ng mga prescribed na antibiotics mula sa doktor.Ang impeksyon sa ari ng babae ay maaari ring magdulot ng pamamaho nito.
  4. Pigsa sa Hita. Ang hita ay isa parte na kadalasang nagkakaroon ng pigsa. Ito ay nagaganap sa tuwing namamawis ang hita at kumikiskis ang mga hita sa isa’t-isa. Dahil dito tuluyang dumdami lumalago ang bacteria sa follicles na nasa parteng hita. Maaaring gumamit ng mga antibacterial na soap upang mapawi ang pigsa sa hita.
  5. Pigsa sa Ulo. Ang ulo ay isa sa mga parte na kadalasang nagkakaroon ng pigsa. Maaaring magkaroon ng pigsa sa ulo ang isang tao dahil sa close contact sa taong infected ng Staphylococcus aureus tulad ng paggamit ng suklay, paggamit ng tuwalya. Maaari rin itong sanhi ng mga minor na cuts sa ulo kung kaya’t makakapasok ang Staphylococcus aureus sa follicles at nagdudulot ng impeksyon. Gayun pa man, hindi maikakaila na ito ay nagdudulot ng labis na pananakit. Kaya naman mainam na subukan ang mga prescribed na antibiotics upang mawala ang pigsa sa ulo.
  6. Pigsa sa Singit. Ang pigsa sa singit ay isa rin sa mga pigsa na nagdudulot ng labis na pananakit dahil sa rason na ito ay parating naiipit. Ang sanhi sa pagkakaroon nito ay ang poor hygiene. Maaaring mabigyan ng solusyon ang pigsa sa singit sa tulong ng mga antibacterial soap.
  7. Pigsa sa Paa. Ang pigsa sa paa ay maaaring sanhi ng pagsusuot ng masakit na mga sapatos. Maaari rin itong sanhi ng labis na pagpapawis ng paa kung kaya’t lumalago ang bacteria sa paa at nagdudulot ng pigsa.
  8. Iba’t-ibang parte ng katawan tulad ng Tenga, Ilong, at Mukha. Ang pagkakaroon ng pigsa sa tenga, ilong, mukha, at iba pang mga parte ay nagaganap dahil sa bacteria na lumalago sa hair follicles na makikita sa parteng ito. May mga pagkakataon na ang pigsa sa mga tagong parte tulad ng tenga ay kinakailangan ng medical procedure. Ngunit maaaring humingi ng prescription sa doktor upang malaman ang mainam na gamot upang mapawi ang pigsa.

Gamot sa Pigsa na Nabibili sa Botika

Ang mga over the counter na treatments ay makakatulong upang mabawasan ang mga pananakit na nararamdaman ng taong may pigsa. Ngunit upang tuluyang mawala ang bacterial infection, kinakailangan na gumamit ng mga prescribed antibiotics mula sa doktor. Ang ilan sa mga gamot na maaaring mabili sa botika upang mabigyan ng solusyon ang pigsa ay ang mga sumusunod:

  • Acetaminophen
  • Calmoseptine
  • Ibuprofen

Antibiotic para sa Pigsa

Ang mga antibiotics ang mabisang gamot para mawala ang pigsa. Ilan sa mga kalimitang prescribed antibiotics para dito ay ang mga sumusunod:

  • Amoxicillin
  • Ampicillin
  • cefazolin
  • Ceftaroline
  • daptomycin
  • Oxacillin
  • Vancomycin
  • Telavancin
  • Tigecycline

Cloxacillin for Pigsa

Ang cloxacillin ay isang medication na makakatulong para sa iba’t-ibang mga bacterial infections. Isa sa mga kondisyon na nabibigyan nito ng solusyon ay ang pigsa. Ang medication na ito ay mas mainam na inumin ng hindi pa kumakain. Kailangan rin tandaan na hindi dapat sobra sobrang cloxacillin ang iyong iinumin upang maiwasan ang overdosis ng gamot.

Cloxacillin is used to treat a wide variety of bacterial infections. This medication is a type of penicillin antibiotic. It works by stopping the growth of bacteria.This antibiotic treats only bacterial infections. It will not work for viral infections (such as common colds, flu).

WebMD n.d.

Koyo para sa Pigsa

Ang koyo ay isa sa mga kilala at kalimitang ginagamit na topical treatment upang mawala ang pigsa. Ito ay makakatulong upang mabilis na mapawi at mawala ang lump na sanhi ng pigsa. Sa paggamit nito, kinakailangan tandaan na basahin ang direksyon sa pakete kasama ang ingredients na nilalaman nito. Kung nakararanas ng mga allergic reaction tulad ng pangangati at mas naging malala ang iyong pigsa mainam na itigil ang paggamit nito.

Vitamins para sa Pigsa

May mga vitamins at mineral na labis na nakakatulong palakasin ang immune system at labanan ang mga bacteria na nagdudulot ng impeksyon. Ilan sa mga bitamina at mineral na mainam na makonsumo ay ang zinc, vitamin A, vitamin C, at vitamin E. Upang makuha ang mga sustansya na ito, maaaring kumain ng mga pagkain na mayaman sa ganitong vitamins, o maaari ring uminom ng mga supplements.

Zinc is an important mineral for boosting immunity and is essential in the treatment of boils. Along with zinc, foods containing vitamin A (fish and dairy products), vitamin C (fruits and vegetables) and vitamin E (nuts and seeds) are helpful in strengthening the immune system.

Hindustan Times July 03, 2012

Paano Mawala ang Pigsa?

Panigurado lamang na ang pagkakaroon ng pigsa ay nagdudulot ng labis na diskomport at abala para sa mga taong nakakaranas nito. Kaya naman narito ang ilan sa mga paraan upang mawala ang pigsa.

  1. Subukan na mag apply ng warm compress sa parteng may pasa.

    Ang warm compress ay makakatulong upang mawala ang lump na dulot ng pigsa kasama ang pamamaga nito.

  2. Subukan ang paggamit ng antibacterial soap.

    Ang mga antibacterial soap tulad ng hibiclens ay mabisang nakakatulong upang mapawi ang pigsa hanggang sa tuluyan itong mawala.

  3. Siguraduhin na malinis ang parte na may pigsa pati ang iyong kamay.

    Ang pagiging madumi ay maaaring magdulot ng contamination. Ang kontaminasyon na ito ay maaaring makapag palala ng pigsa. Kaya naman mainam na panatilihing malinis ang area na may pigsa pati ang mga kamay.

  4. Subukan ang mga ointment.

    Ang mga ointment tulad ng calmoseptine ay mabisang nakakapagbigay ng solusyon para mawala ang lump, pamumula, at nana na dulot ng impeksyon.

  5. Gumamit ng povidone-iodine swabs panlinis ng pigsa.

    Ito ang pinaka epektibong nakakapag pawala ng pigsa.

Gamot sa Pigsa - Paano Mapapabilis Ang Paggaling Nito (3)

Nakakahawa ba ang Pigsa?

Ang bacteria na nagdudulot ng pigsa ay nakakahawa. Ito ay maaaring mapasa sa dahil sa pagkakaroon ng close contact sa taong infected ng bacteria na Staphylococcus aureus. Ang ilan sa mga paraan upang mahawa ng pigsa ay ang mga sumusunod:

  1. Paggamit ng suklay ng taong may pigsa sa ulo.
  2. Paggamit ng tuwalya ng taong may pigsa.
  3. Paggamit ng damit ng taong may pigsa.
  4. Paggamit ng unan at kumot ng taong may pigsa.
  5. Pakikipagtalik sa taong may pigsa sa ari.

Paano Malalaman Kung Hinog na ang Pigsa?

Iyong malalaman kung ang iyong pigsa ay hinog na o mature kapag ito ay mas lumalaki at makikita sa core ng pigsa ang madilaw na nana. Kailangan tandaan na hindi dapat itong paputukin at subukang butasin dahil maaaring kumalat ang impeksyon at mas maging malubha ang pigsa na iyong nararanasan.

As a boil matures, it grows larger, and its center fills with pus. This pus-filled center is called the core. Eventually, the boil comes to a head, meaning a yellow-white tip develops on top of the core.

Frothingham, S. May 21, 2021

Home Remedy for Pigsa

Marami sa mga taong nakakaranas ng pigsa ay mas pinipiling magsagawa ng home remedies kaysa sa mga gamot na mabibili sa botika. Ito ay dahil ang mga remedies ay mabisang nakakapag pawala ng pigsa. Bukod pa dito, hindi na nito kinakailangan gumastos at bumili pa ng mga mahal na gamot. Kaya naman narito ang ilan sa mga home remedy na maaari mong isagawa upang mawala ang iyong pigsa.

  • Magsagawa ng warm compress
  • Mag apply ng tea tree oil sa parteng may pigsa.
  • Magsuot ng loose na damit
  • Uminom ng mga over the counter na pain relievers.

FAQs

Mabisa ba ang Povidone Iodine Swab para sa pigsa?

Oo, ito ay antiseptic. Makakatulong ito para mabawasan at matigil ang pag pagdami ng bacteria.

Mabisa ba ang calmoseptine?

Ang calmoseptine ay isang topical ointment na mabisang nakakatulong upang mapawi ang sintomas at mawala ang pigsa.

Anong english ng pigsa?

Ang pigsa ay tinatawag na boils sa wikang ingles.

Anong bacteria ang nagdudulot ng pigsa?

Ang pigsa na nagdudulot ng pigsa ay ang Staphylococcus aureus.

Saan madalas na nagkakaroon ng pigsa?

Ang ilan sa mga parte sa katawan na kadalasang naaapektuhan ng pigsa ay ang kilikili, pwet, paa, ulo, ari, singit, at hita.

Anong mga antibiotics para sa pigsa?

Ilan sa mga antibiotics na kadalasang ginagamit para sa antibiotics ay ang amoxicillin, ampicillin, cefazolin, ceftaroline, at cloxacillin.

Mainam ba na magsagawa ng warm compress para mawala ang pigsa?

Ang warm compress ay isa sa mga methods na mabisang nakakapag pawala ng pigsa. Mabuti na ito ay isagawa upang mapawi ang pamumula at ang lump na dulot ng pigsa.

References:

  1. Christiano, D. (September 18, 2018). “Everything You Need to Know About Pus” Retrieved from: https://www.healthline.com/health/pus#:~:text=Pus%20is%20a%20thick%20fluid,yellow%2C%20green%2C%20and%20brown.
  2. Ngan, V. (2005). “Antiseptic” Retrieved from: https://dermnetnz.org/topics/antiseptic
  3. WebMD. (November 15, 2021). “Boils” Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/boils
  4. Ferguson, S. (February 13, 2019). “How Do Hair Follicles Function?” Retrieved from: https://www.healthline.com/health/hair-follicle
  5. Better Health Channel. (n.d.). “Boils” Retrieved from: https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/boils
  6. Mayo Clinic. (September 18, 2021). “Boils and carbuncles” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/boils-and-carbuncles/symptoms-causes/syc-20353770#:~:text=A%20carbuncle%20is%20a%20cluster,more%20of%20your%20hair%20follicles.
  7. Ansorge, R. (June 22, 2021). “Carbuncles” Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/carbuncles-causes-treatments
  8. Mayo Clinic. (May 06, 2020). “Staph infections” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/staph-infections/symptoms-causes/syc-20356221
  9. WebMD. (January 18, 2022). “What Is Impetigo?” Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/understanding-impetigo-basics
  10. CDC. (May 29, 2020). “Group A Streptococcal (GAS) Disease” Retrieved from: https://www.cdc.gov/groupastrep/diseases-public/Cellulitis.html#:~:text=Cellulitis%20is%20a%20common%20bacterial,Many%20Bacteria%20Can%20Cause%20Cellulitis
  11. Cunha, J. (n.d.). “Boils” Retrieved from: https://www.emedicinehealth.com/boils/article_em.htm
  12. Huizen, J. (August 05, 2020). “What are the best antibiotics for boils?” Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/antibiotics-for-boils
  13. WebMD. (n.d.). “Cloxacillin Capsule – Uses, Side Effects, and More” Retrieved from: https://www.webmd.com/drugs/2/drug-8637/cloxacillin-oral/details
  14. Hindustan Times. (July 03, 2012). “How to deal with boils” Retrieved from: https://www.hindustantimes.com/health-and-fitness/how-to-deal-with-boils/story-4f3c94a0b47DMHeEdlxQcO.html#:~:text=Zinc%20is%20an%20important%20mineral,in%20strengthening%20the%20immune%20system.
  15. Frothingham, S. (May 21, 2021). “How to Get the Core Out of a Boil” Retrieved from: https://www.healthline.com/health/how-to-get-the-core-out-of-a-boil
  16. Bussey, A. (March 02, 2020). “Home remedies for boils” Retrieved from: https://www.livehealthily.com/boils/home-remedies-for-boils
Gamot sa Pigsa - Paano Mapapabilis Ang Paggaling Nito (2024)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Cheryll Lueilwitz

Last Updated:

Views: 5502

Rating: 4.3 / 5 (74 voted)

Reviews: 81% of readers found this page helpful

Author information

Name: Cheryll Lueilwitz

Birthday: 1997-12-23

Address: 4653 O'Kon Hill, Lake Juanstad, AR 65469

Phone: +494124489301

Job: Marketing Representative

Hobby: Reading, Ice skating, Foraging, BASE jumping, Hiking, Skateboarding, Kayaking

Introduction: My name is Cheryll Lueilwitz, I am a sparkling, clean, super, lucky, joyous, outstanding, lucky person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.